Nakaratay ngayon sa ospital si Carla Abellana at humingi siya ng dasal sa kaniyang followers para sa agad niyang paggaling.

Sa Instagram, nag-post ang Kapuso actress ng ilang larawan habang nasa Diliman Doctors Hospital siya. Makikita sa larawan ang IV drip at thermometer na 39.6 C ang temperature.

"Lord, please, heal me. I've been in so much pain and discomfort," saad ni Carla sa caption.

Bukod sa kanilang mga follower, ilang taga-showbiz din ang nagpaabot ng pag-aalala at hangarin na gumaling na siya, gaya nina Nadine Samonte, Sofia Pablo, at Bea Alonzo na co-stars niya sa GMA murder mystery series na Widows' War.

"Yakap! Pagaling ka," komento ni Bea sa post.

 

 

 

—FRJ, GMA Integrated News