Ibinahagi sa social media ng anak ni Vic Sotto na si Paulina na hiwalay na  isa na siya ngayong single mom.

Sa Instagram, nag-post si Paulina, anak ni Vic kay Angela Luz, ng kaniyang larawan kasama ang kaniyang anak.

Nakasaad sa post na, "Navigating a new life chapter as a single mom."

“It’s been a crazy last few weeks with lots of ups and downs, but life goes on,” patuloy niya.

Sa kabila nito, "thankful" pa rin sa Paulina sa ibinigay sa kaniya na nagdaang 10 taon.

“Now on to better things,” pagwawakas niya sa post.

 

 

Taong 2017 nang ikasal si Paulina sa kaniyang non-showbiz partner na si Jed Llanes. Isinilang naman ang kanilang anak noong September 2020.— FRJ, GMA Integrated News