Ibinahagi ng American actor na si Matthew McConaughey ang pamamaga ng kaniyang mukha at mata matapos siyang “makagat” ng bubuyog.

Sa kaniyang Instagram, na iniulat din sa Unang Balita nitong Biyernes, ibinahagi ni Matthew ang kaniyang latest photo na siyang ikinagulat ng fans.

Maituturing itong severe reaction mula sa bee sting.

Hindi nagbigay ng detalye si Matthew, bukod sa kaniyang caption na “bee swell.”

Sa kabila nito, todo pa rin ang ngiti at nasa mabuting kalagayan ang aktor. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News