Ilalahad ng Canadian singer na si Celine Dion ang pakikipaglaban niya sa Stiff Person Syndrome sa upcoming documentary niya na, "I Am: Celine Dion."
Sa trailer na inilabas ng Prime Video, ipinakita ang pagiging emosyonal ng legendary singer kaugnay ng kaniyang pinagdadaanan dahil sa kaniyang "very rare neurological disorder."
"I wasn't ready to say anything before, but I'm ready now," saad ng mang-aawit.
Kasama sa mga ipinakita ang footage ng gamot na kaniyang iniinom at physical therapy.
Inilahad din ni Celine ang hirap ng kaniyang kalooban na ikansela ang kaniyang mga concert dahil sa problema sa kaniyang kalusugan.
"I miss it so much," sabi ni Celine. "The people. I miss them."
"If I can't run, I'll walk, if I can't walk, I'll crawl," dagdag niya. "I won't stop."
Ipinakita rin sa trailer ang ilang behind-the-scenes footage sa kaniyang shows at mga awit na kaniyang ginawa.
Ipapalabas ang "I Am: Celine Dion" simula sa Prime Video sa June 25.
Disyembre 2022 nang ilahad ni Celine na mayroon siyang stiff person syndrome, na isang neurological condition na nagdudulot ng progressive muscle stiffness at muscle spasms. —FRJ, GMA Integrated News