Matapos ang 86 taon na operasyon sa paglalathala, isinara na ang babasahin na Reader’s Digest sa United Kingdom.
Inihayag ito ni Eva Mackevic, ang editor-in-chief ng magazine, na kaniyang inilabas na mensahe sa website noong Biyernes, May 3.
“It is with a heavy heart that we share the news of Reader's Digest UK coming to a close. This magazine carries a profound legacy, holding special memories for so many—whether it adorned our parents’ coffee tables or served as a gateway to the English language for those abroad. Its closure marks the end of an era that is deeply felt,” ayon sa sulat.
Pinasalamatan ni Mackevic ang lahat ng subscriber sa kanilang, “unwavering support, loyalty, and encouragement throughout the years.”
“Your letters, poems, essays and photographs have filled our pages with life and heart. Each story shared has woven a beautiful tapestry of human experiences, connecting us all in profound ways,” saad ni Mackevic.
Bago siya magtapos sa kanilang post, binalikan ni Mackevick ang walong taon niyang pamamalagi sa babasahin na tinawag niyang “true honor and joy,” at “grateful for the opportunity to lead such a cherished magazine.”
“While this chapter may close, I am comforted by the belief that the spirit of Reader's Digest will endure in our memories and within the rich archives spanning nearly a century. As we bid farewell to this beloved publication, I want to express my deepest gratitude for allowing us to be part of your lives and homes,” pahayag pa niya.
February 1922 nang ilunsad nina DeWitt Wallace at Lila Bell Wallace ang Reader's Digest sa New York.
Nalathala ang unang international edition nito sa UK noong 1938.
Sa panahon ng katanyagan ng naturang magazine, nagkaroon ito ng edisyon sa 70 bansa, at nilimbag sa mahigit 35 lengguwahe. — FRJ, GMA Integrated News