Inihayag Hollywood actress na si Emily Blunt na ang co-star niya sa pelikulang "The Fall Guy" na si Ryan Gosling ang first crush ng kaniyang mga dalaginding na anak.

Nabanggit ni Emily ang kaniyang mga anak nang tanungin ni GMA Integrated News host na si Lyn Ching, kung ano ang nagbibigay sa kanila ng kasiyahan.

Dito na rin inihayag ng aktres ang matinding paghanga ng kaniyang mga anak--edad siyam at pito--kay Ryan.

"They are die-hard fans, you don't understand," sabi ni Emily habang katabi si Ryan nang makapanayam ni Lyn.

"I was leaving them a little video yesterday, and this one (Ryan) came in the background a bit, and I went, 'Can you say hi to them'? And he went, 'Hi Violet, hi Hazel,' and they were so giddy in the video they sent back," masayang kuwento ng aktres.

"I think he's like their first crush," sabi pa ni Emily kay Ryan. "You and Taylor Swift were their first obsessions ... if they met him they'd be so nervous."

Kasal si Emily kay John Krasinski ng "The Office."  

Mapapanood sa mga sinehan sa Mayo 3 ang "The Fall Guy," na tungkol sa isang stunt man na si Colt Seavers, na ginagampanan ni Ryan.

Bilang double sa mga eksena ng big star, mapipilitan si Colt na pumalit sa aktor nang bigla itong naglaho.-- FRJ, GMA Integrated News