Dalawang taon makaraang maghiwalay sila ng kaniyang dating asawa na si Carla Abellana, inamin ni Tom Rodriguez na mayroon na siyang idine-date ngayon.

Sa panayam ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras”  nitong Huwebes, sinabi ni Tom na itinuon niya ang kaniyang sarili sa self-love and growth habang nananatili noon sa Amerika.

“Mas simple lahat ng bagay. Relish the simple things, kung ano ang para sa’yo, mapupunta sa’yo na hindi mo kailangan ‘kailangan ganito, kailangan ’yan,’ trying to control life. Learn to just resign yourself, resign yourself to the Lord and He always provides and every step of the way na parang magkaka-anxiety ka. Kasi tinatakot mo ‘yung sarili mo,” saad ni Tom na balik-Pilipinas na at balik-trabaho na rin.

Patuloy ng aktor, “You're living out of fear, out of anxiety. Instead of living out of love, joy, hope. Kapag dun ka pala, everything just falls into place.”

Dahil nasabi ni Carla sa isang panayam na okey lang sa kaniya kung makita niyang muli si Tom, tinanong din ang aktor kung handa rin ba siyang makita ang dating asawa.

“For me, honestly, I don't think it matters to me much. We have our own paths and our own lives now and I wish her well and hers,” sabi ni Tom na nagpahayag din na handang-handa na siya sa kaniyang pagbabalik.

Naniniwala rin umano si Tom sa ikalawang pagkakataon, at handa rin siyang magmahal muli.

“Yeah, I am now. In fact, I am seeing someone,” saad niya. “Once I was ready, it came at the right time. At that point, I thought it would never happen again.”

Sa ngayon, nais muna ni Tom na maging private ang pagkakakilanlan ng babae.

“Magdadamot ako yata. Like what I said, I really want to keep it to myself. But like I said, I'll live my life like how it is. So, eventually siguro everyone would—what they see is what they get. But for now, it's my own now,” pahayag niya.—FRJ, GMA Integrated News