Naglabas ng kaniyang saloobin ang Dubai-based Filipino fashion designer na si Michael Cinco laban sa mga Pinoy celebrity at influencers na mahilig umanong magpalibre ng isusuot pero hindi naman binibigyan ng nararapat na pagkilala ang mga Pinoy designer na kanilang nilapitan.

Sa kaniyang Instagram Stories, inilahad ni Cinco ang umano'y "discrepancy in the promotion of international and Filipino designers."

"I have nothing against dressing up fashion influencers and celebrities for free," panimula niya sabay pagkilala sa "crucial role" ng mga influencer para maipakilala ang kanilang likha at malaki rin ang tulong para sa marketing ng kanilang mga produkto.

Pero pinupuna ni Cinco ang hindi umano patas na pagbibigay halaga ng ilang celebrity at influencers pagdating sa obra ng mga Pinoy designer kumpara sa mga gawa ng dayuhan.

"My issue is — why [do] Filipino influencers and celebrities seem more than happy to flaunt international brands yet hesitate to promote our very own Filipino designers?" ani Cinco.

Ginawang halimbawa ni Cinco kung papaano i-promote sa social media ang mga Filipino influencer at celebrities ang mga gawa ng mga Pinoy, kontra sa mga foreign brand.

"They will proudly flaunt and promote the [international] brand in capital letters and tag the brand 100 times, write all the available hashtags in IG as if the brand will notice," saad ni Cinco.

"But when Filipino celebrities and influencers wearing Filipino designers, they will promote your brand in whisper, as if they are embarrassed wearing Pinoy-made gown," patuloy niya.

Sinabi pa ni Cinco na, "If you tag these famous celebrities and influencers in your posts or stories wearing your dress, these people won't even acknowledge your post or repost your stories and won't even comment to say THANK YOU in your page."

"Then you will realize they don't even follow you in IG or any social media," patuloy niya na may kasamang tanong na, "Why is there a discrepancy in the promotion of international and Filipino designers."

Naniniwala si Cinco na may kaugnay ito sa colonial mindset na mas magandang uri ang international brands kaysa gawa ng kanilang kababayan na dahilan ng "lack of support for local designers and their brands, despite undeniable talent and unique designs."

Sa isa niyang post, ibinahagi ni Cinco ang pangyayari sa stylist ng isang Filipino celebrity na humiling na gawan siya ng custom-make gown na libre.

Pumayag umano siya pero hiniling niya na sagutin ang kaniyang medical bills at health insurance.

"Because I will have sleepless nights creating your gown and will suffer from panic attacks," paliwanag niya.

Pero hindi na umano siyang kinontak ng stylist.

Sa pagtatapos ng kaniyang post, nagbigay ng payo si Cinco sa mga magpapagawa ng kasuotan nang libre.

"Before you approach designers for loan or custom-made clothes for free, inom ka muna ng kape para kabahan ka naman," ani Cinco. "Mahiya ka naman."

 

 

Ilan sa mga international celebrity na nagawan na ng kasuotan ni Cinco ay sina Lady Gaga, Rihanna, Beyonce, Jennifer Lopez, at Miss Universe queens R'Bonney Gabriel at Andrea Meza.— FRJ, GMA Integrated News