Inilahad ni Diego Loyzaga na gusto niyang maging isang ama na laging nariyan para sa kaniyang anak na si Baby Hailey, at hindi niya ipararanas dito ang kaniyang mga hindi magandang karanasan.
“I just want to be a present father. As much as possible, everywhere I go kasama sila,” saad ni Diego sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes.
“I think everyday may bago akong natutunan, meron akong bagong na-realize na it’s not about me anymore,” pagpapatuloy niya.
Sinabi ni Diego na matapos ang 12 taon sa showbiz, prayoridad muna niya ngayon ang pagsasaayos ng tahanan nila kasama ang anak na si Hailey.
“I’m fixing kung ano magiging playroom niya, ano ang magiging kuwarto niya,” anang aktor.
“Ang theme ko sa bahay is gusto ko ‘yung may pagka-mancave. Everything is mancave-y. Tapos ‘yung kuwarto ni Hailey is all pink, nice and colorful,” natatawa niyang sabi.
Patuloy pa rin naman ang iba pang gawain ni Diego gaya ng kaniyang trabaho.
“But at the same time in the back of my head, lagi ko nang iniisip, it’s not just about Diego anymore, it’s Diego and Hailey. And siyempre my baby’s mama also, iniisip ko rin siya.”
“Hindi ka na puwedeng mag-complain,” pagpapatuloy pa niya.
Dagdag ni Diego, nag-uusap na sila ng ina ni Hailey kung saan ito mag-aaral.
“Her birthday (Hailey) is in May. Last month pa ako nagplano kung saan namin ise-celebrate,” natatawang sabi ni Diego.
Sa Fast Talk segment, tinanong ni Tito Boy kung papayag si Diego na mag-showbiz si Hailey.
“No!” mariing sagot ni Diego.
Sa naturang episode, inilahad din ni Diego na sumailalim siya noon sa rehabilitation.
Tinanong ni Tito Boy si Diego tungkol sa mensahe niya kay Hailey kapag nalaman nito ang tungkol sa kaniyang pinagdaanan.
“Anak, in life, people make mistakes. And I think naman if you don’t make mistakes you don’t really grow. Bata ako nag-start mag-showbiz eh, sobrang bata. Everything I did, whether good or bad, it was publicized, because your life is literally an open book for the public to see,” saad ni Diego.
“I’d just say to her na ‘I hope you don’t judge me for my past, I hope you don’t look at me differently for the mistakes I have done, and maybe might still do in the future. But just know that I love you. And I promise that I will give you a life that I never had.”
“I know my parents did the most they could do for me, pero ako for myself, I will really do everything in my power, kahit ano pang maisumbat ng tao sa akin na ‘Diego is this’ ‘Diego is that, ito ‘yung mga nagawa niya.’ I will never, ever be an absent or not a loving father,” pagpapatuloy ni Diego.—Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News