Panibagong milestone ang nakamit ni Taylor Swift matapos siyang muling magwagi bilang "Global Recording Artist of the Year" sa ika-apat na pagkakataon mula sa International Federation of the Phonographic Industry (IFPI).

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabi ng IFPI na “truly phenomenal” ang dedikasyon ni Taylor sa kaniyang mga awitin at sa fans.

Ibinibigay ng IFPI ang Global Artist of the Year Award sa artist na may pinakamaraming sales, streams o downloads ng kanilang mga kanta sa isang taon.

Back-to-back ang panalo ni Taylor noong 2023 at 2022. Nakuha rin niya ang award noong 2019 at 2014.

Matatandaang wagi rin si Taylor ng Album of the Year sa Grammys ngayong taon para sa kaniyang album na "Midnights,” na kaniya nang ikaapat mula sa prestihiyosong award-giving body. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News