Tila may bagong P-pop girl na kagigiliwan matapos hiramin ni Jennylyn Mercado ang denim set ni Mikha Lim at magbihis bilang BINI member na si “BINI-LYN Mercado.”

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Jennylyn ang kaniyang bagong look, habang sumasayaw sa BINI hit na “Salamin, Salamin.”

Pinasalamatan din ni Jennylyn si Ica Villanueva, ang stylist ng BINI, sa pagpayag na hiramin niya ang denim set ni Mikha.

Ginawa ito ni Jennylyn bilang sorpresa sa kaibigan niyang producer na nagdiriwang ng kaarawan.

Dati nang inanunsyo ni Jennylyn na tinatrabaho niya ang kaniyang comeback album. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News