Dalawang dayuhan ang inaresto sa Pasay City matapos umanong mag-trip at manutok ng baril.

"Nagti-trip trip sila," ani Police Major James Ralph Naval, hepe ng Sub-station 10 ng Pasay City Police.

"Very alarming nga eh, 'yung ganon," dagdag pa niya.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, isang concerned citizen ang nakakita sa nangyari at agad na nagsumbong sa mga nagpapatrolyang pulis.

"Nalaman natin ung description, hinabol po ng mga pulis natin and 'yun, upon verification nakitaan po sila ng baril at tsaka po ng kutsilyo," sabi ni Naval.

Dagdag pa ni Naval, "nakainom" ang mga suspek.

Patuloy daw na inaalam ng pulisya kung ano ang background ng mga suspek at kung saan sila nakakuha ng hindi lisensyadong baril. —KBK, GMA Integrated News