Kilala ang tambalan noon nina Roderick Paulate at Carmi Martin, at nagkaroon pa sila ng TV show. May pagkakataon kayang nahulog ang loob nila sa isa't isa?

“Wala bang panahon na naiba ang timpla? Nagkatitigan na iba?” tanong ni Tito Boy Abunda kina Carmi at Roderick tungkol sa kanilang pagkakaibigan sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes.

Paliwanag ni Roderick, "Kasi noong panahon namin nakita ko 'yung mga nakaaligid [kay Carmi], mga mestizo eh. Ako naman magaling naman akong makiramdam.”

“Sa nakita ko parang hindi ata ako puwede pumasok diyan. Be realistic. Alam ko naman kung saan ako pupuwesto," biro ni Roderick.

Sina Roderick at Carmi ang nag-host ng variety show na "Tonight with Dick and Carmi" noong 1980s.

Hanggang ngayon, napanatili nila ang kanilang pagiging mabuting magkaibigan.

Bahagi si Carmi sa cast ng "Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis" kasama sina Sen. Bong Revilla, Beauty Gonzalez, Niño Muhlach, Max Collins, at iba pa.-- FRJ, GMA Integrated News