Nagkaroon ng reunion sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa pagdiriwang ni Mr. Johnny Manahan ng kaarawan nito.

Sa Instagram ni Bea, na iniulat din sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, makikita na kasama nina Bea at John Lloyd ang iba pa nilang showbiz friends tulad nina Kathryn Bernardo, Maja Salvador, Jericho Rosales, at Piolo Pascual.

“Happy Birthday Mr. M!!” caption ni Bea.

Tinatawag pa rin sina Bea at John Lloyd bilang Popoy at Basha, na kanilang mga karakter sa kanilang hit movie na "One More Chance."

Parehong naging Kapuso sina Bea at Mr. M noong 2021. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News