Mariing pinasubalian ni Liezel Lopez ang akusasyon sa kaniya na nang-agaw siya umano kaugnay sa naging isyu nila ni Kristoffer Martin at asawa nito.

“Ano ang nangyari? Nagkaroon ba talaga ng overlap? Kasi inakusahan kang nang-agaw ka,” mapangahas na tanong ni Tito Boy Abunda kay Liezel sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

“Kung ako ang tatanungin, hindi po.  Pero kung may natutunan ako roon, siguro ‘yung dapat ‘yung totoo, sinasabi. Pero hindi ko na po kasi talaga kuwento ‘yun,” sagot ni Liezel.

“Pero tungkol po roon sa tanong ninyo, hindi po ang sagot ko,” dagdag niya.

Nauna nang inilahad ni Liezel na “okay” sila ng kaniyang ex na si Kristoffer matapos ang kanilang hiwalayan noong 2021.

“We’re okay,” tugon ni Liezel. “We’re okay.” —Jamil Santos/LDF, GMA Integrated News