Hindi naiwasan ni Alden Richards na maging emosyonal nang mapag-usapan ang movie nila ni Sharon Cuneta na "Family of Two" na patungkol sa relasyon ng ina at anak.
Sa vlog ni Toni Gonzaga na "Toni Talks," inilahad ni Alden na malapit sa puso niya ang "Family of Two" na una niyang proyekto kasama si Sharon Cuneta at entry sa Metro Manila Film Festival.
"The story is very close to me because it's a mother story, but being able to work with the Megastar opened a lot of discoveries," saad ni Alden.
Nang tanungin tungkol sa mensahe ng pelikula, nagsimulang maging emosyonal ang Asia's Multimedia Star.
"Sometimes, growing up, we tend to take for granted the love that we get from our parents, most especially our moms, and since this is a mother-and-son story. So, when you tend to neglect that relationship that you have with your mom and when the time comes that you'll realize na gusto mo nang bumawi, but what if it's too late?," ayon kay Alden.
Naka-relate si Alden sa kuwento dahil sa pumanaw ang kaniyang ina at hindi na niya nagawang "bumawi."
"Take it from me, I lost my mom," sabi ni Alden.
"I lost my mom, and by the time na gusto ko nang bumawi, I never got the chance. That's the sad reality of things. It's the worst feeling," naluluhang pagpapatuloy ni Alden.
"Ready na ako, mama ko na lang 'yung kulang," saad pa niya.
Kaya payo niya sa viewers, huwag sayangin ang pagkakataon na makabawi sa mga magulang.
"So, never ever give that opportunity a chance in your life," saad ng aktor.
Nakisimpatya naman si Toni sa nararamdaman ni Alden, na sinabing kasa-kasama pa rin ng aktor ang inang si Rosario "in spirit."
Ayon kay Alden, "Lagi ko 'yang kinakausap up there. 'Mama kita mo may award ako.'"
Sinabi rin ni Alden na kinuwentuhan niya ang kaniyang ina na nakatrabaho na niya ang Megastar nang nagwo-workshop siya.
Ang karanasan ni Alden ang kaniyang ginawang hugot para ma-deliver ang kaniyang mga eksena sa naturang pelikula.
Sabi ni Direk Nuel (Naval) 'Talk to your mom, pero ito siya, si Ms. Sharon, si Mega siya.' Hindi lang siya nakunan pero sabi ko 'Ma, nakatrabaho ko na si Ms. Sharon.' I was breaking down," kuwento ni Alden.
Kampante si Alden na alam ng kaniyang ina ang kaniyang mga tagumpay sa buhay ngayon.
Pumanaw ang ina ni Alden dahil sa sakit na pneumonia noong 2008. -- FRJ, GMA Integrated News