Makikita ang saya sa mukha ni Lee O’Brian sa mga larawan na ipinost niya sa Instagram habang kasama si Malia, ang anak nila ng dati niyang asawa na si Pokwang.

Sa kaniyang post, may wacky photo ang mag-ama at nakasuot pa ng wig at sunglass si Malia sa isang larawan.

"Had a blast this weekend with you, my dear Malia," saad ni Lee sa caption na naka-tagged ang IG account ng anak.

“Love you sweetie!!” dagdag niya.

 

 

Si Malia ang tanging anak nina Lee at Pokwang. Naghiwalay ang dalawa noong 2021.

Nitong nakaraang Hunyo, naghain ng deportation case si Pokwang laban kay Lee, na nananatili sa Pilipinas.

Ayon sa abogado ni Pokwang, patuloy na nagtatrabaho si Lee sa Pilipinas kahit walang working permit mula sa bansa.

Naghain naman si Lee ng counter affidavit tungkol sa kinakaharap niyang deportation case.— FRJ, GMA Integrated News