Kahit patok sa netizens ang #PorDee tandem, may pagtiyak naman si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa kaniyang kaibigang "wifey" na si Rhian Ramos.

Ang #PorDee ay tambalan nina Michelle at Miss Universe 2023 First Runner-Up Anntonia Porsild ng Thailand, na naging kaibigan ng Kapuso star nang lumaban sa naturang pageant nitong nakaraang linggo.

"Sa 'yo pa rin umuuwi," sabi ni Michelle sa Twitter na naka-tagged si Rhian, na kaniyang bestie at housemate.

BASAHIN: 2023 Miss Universe Philippines Michelle Dee, lumantad na bisexual

Ni-repost din ni Michelle ang video na nagbibigay ng reaksyon si Rhian tungkol sa pagkakaugnay ni Michelle sa ibang babae.

“Sabi ko [kay Michelle] ‘girl, babaero ka ba?' Sabi ko, ‘bat ang daming na-li-link sa ‘yo?’” natatawang sabi ni Rhian.

Kasunod sa panayam kay Rhan ang video na magkasama sina Michelle at Anntonia na makikita ang pagiging malapit nila sa isa't isa kahit magkatunggali sila sa pageant.

Sa repost, inilagay din ni Michelle ang hashtag na #RhiMich para kay Rhian.

 

 

Magkasamang naninirahan sa isang bahay sina Michelle at Rhian, malapit din sa bahay ng isa pa nilang kaibigan na si Max Collins.

Sa isang panayam, sinabi ni Rhian na parang silang mag-asawa ni Michelle na "honey" ang tawagan nila kapag nasa bahay .

BASAHIN: Rhian Ramos, aminadong 'para silang mag-asawa' ng BFF na si Michelle Dee

Nakapasok si Michelle sa Top 10 ng kompetisyon at nanalo ng apat na special awards, kabilang ang  Best National Costume.—FRJ, GMA Integrated News