Nagtanghal sa Malacañang sa unang pagkakataon si Rita Daniela kasama ang tinaguriang "Father of Philippine Christmas songs" na si Jose Mari Chan.

Sa Instagram post, ibinahagi ng Kapuso singer-actress ang pag-awit niya sa Christmas Tree lighting event sa Palasyo kasama si Jose Mari Chan.

Inawit ng dalawa ang "Christmas In Our Hearts," na isa sa mga awitin ni Jose Mari na paboritong Christmas songs ng mga Pinoy.

"My first Malacañang experience!," saad ni Rita sa caption ng kaniyang post.

"A duet with Tito Jo [JMC] during the Christmas Tree Lighting yesterday," dagdag niya.

Noong 2018, nagkaroon ng impromptu duet sina Rita at Jose Mari ng 'Please Be Careful With My Heart" sa isang press conference.

Labis na humanga ang mga netizen sa ganda ng tinig ni Rita at sa walang kupas na boses ni Jose Mari. --FRJ, GMA Integrated News