Sa naturang maling listahan na nai-post sa social media, kasama si Michelle sa Top 5 sa halip na si Miss Thailand na si Anntonia Porsild, na siyang naging first runner-up sa kompetisyon.
BASAHIN: Miss Universe El Salvador sa sablay na post tungkol sa pangalan ng 2 finalists: 'Our mistake'
Umabot lang sa Top 10 si Michelle na nakakuha rin ng tatlong special awards, kabilang ang Voice for Change.
Sa kanilang broadcast channel sa Instagram, sinabi ni Michelle na, "There should be no room for error."
Gayunman, tanggap din ng Pinay beauty queen na, "but the reality is we live in an imperfect world."
Pero hiling ni Michelle, "Not just to be respectful to the delegates but to the supporters that are so passionate about this platform as well," saad niya.
Sa inilabas na pahayag ng Miss Universe El Salvador organization, inamin nila ang pagkakamali dahil sa kanilang pagmamadali na makapag-post sa social media.
"This was a simple error of moving too fast - we heard the same results live at the same time that you all did, no special access over here!," pahayag nito.
Ang pambato ng Nicaragua na si Sheynnis Palacios ang itinanghal na Miss Universe 2023. —FRJ, GMA Integrated News