Inihayag ni Jungkook ang kaniyang bittersweet message para sa ARMY matapos ianunsyo ang kaniyang military enlistment.
“In December, I will start a new journey. I’m leaving you for a while to serve in the military,” panimula ni Jungkook sa kaniyang liham na naka-post sa WeVerse.
“As I share this news, I feel heavy on one hand, and on the other hand I’m reminded of precious memories with ARMY so my heart warms up,” pagpapatuloy niya.
Inilarawan ni Jungkook bilang “brightest time of his life” ang kaniyang mga alaala kasama ang fans at nagpasalamat sa kanilang pagmamahal at suporta.
“Thank you so much for supporting my dream and walking with me silently,” saad ng “golden maknae.”
Nangako si Jungkook na magbabalik siya sa stage “with a more mature side where I always am.”
Sa pagtatapos hiniling ni Jungkook na mabuhay ang kanilang fans na “healthily and beautifully.”
“Don’t get sick and stay healthy. I love you,” saad niya.
Ini-release ni Jungkook ang kaniyang solo album na “GOLDEN” noong Nobyembre 3 kung saan lead track ang “Standing Next to You.”
Nag-solo debut din si Jungkook sa “The Tonight Show with Jimmy Fallon,” na nagmamarka bilang una niyang paglabas bilang solo artist na nagpo-promote sa kaniyang album.
Tatlong BTS members na ang nagsisilbi sa South Korean military. Nag-enlist si Jin noong Disyembre 2022, na sinundan ni j-Hope noong Abril 2023 at ni Suga nitong Setyembre 2023.
Nakatakdang magbalik ang BTS bilang grupo sa 2025. —VBL, GMA Integrated News