Gaya ng kaniyang plano, nanggulat ang model at TV host na si Heidi Klum nang magbihis-peacock siya sa kaniyang Halloween Party sa Amerika.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing goal daw talaga ni Heidi na maging agaw-eksena sa mga pakulo sa kaniyang Halloween Party na ginaganap taon-taon.

Nais daw kasi niyang maging inspirasyon at sopresahin ang mga tao. Ang asawa niyang si Tom Kaulitz, nag-costume naman naman na itlog.

Hindi rin nagpahuli ang mga celebrity guest na dumalo sa party.

Ramdam din ang Halloween spirit sa nagbabalik na Halloween Carnival na dinaluhan ng libu-libong bisita sa California.

Natigil ang naturang Halloween carnival nang magkaroon ng pandemic.

Sa halip na katatakutan naman, mga makukulay ang costume ang nasilayan sa 2023 Fantasy Fest Parade na idinaos sa Florida.-- FRJ, GMA Integrated News