May bagong special project sina Barbie Forteza at David Licauco na kinunan sa abroad.

Sa IG post ng Sparkle GMA Artist Center, na iniulat din sa GTV "Balita Ko" nitong Martes, makikitang magkasama sina Barbie at David sa eroplano at pabalik na ng Pilipinas.

Nanggaling sa abroad ang dalawa para sa naturang special project.


Ang pinagtatambalan nilang TV series na “Maging Sino Ka Man,” nasa huling tatlong linggo na lang kaya hindi dapat palampasin ang mga susunod na mangyayari.

Bukod dito, mayroon ding kilig movie sina Barbie at David na may pamagat na, “That Kind of Love.” -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News