Hinangaan ang mala-concert na duet nina Coach Julie Anne San Jose at Coach Stell sa kantang “Habang May Buhay” sa “The Voice Generations.”

Sa nakaraang episode ng Kapuso reality TV show, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Martes, mapapanood ang goosebumps na hatid ng musical talents nina Julie at Stell sa kanilang duet matapos hiritan ng audience ng “sample.”

Wala nang ensayo na nag-duet sina Julie Anne at Stell.

Sa likod naman nito ang impromptu act nina Coach Chito Miranda at Coach Billy Crawford.

Mas kapana-panabik pa ang mga susunod na episode sa The Voice Generations ngayong nasa sing off na ito. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News