Approved entry ang “GENTO” ng SB19 para sa Best Pop Duo/Group Performance category ng 2024 Grammy Awards.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing ito ang inanunsyo ng music label ng P-Pop kings.

Kabilang sa mga pagpipilian para maging official nominee ang ilang hit songs ng international artists gaya nina Taylor Swift, Sam Smith at Carly Rae Jepsen.

Ilalabas sa Nobyembre 10 ang opisyal na list of nominees sa Grammys 2024. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News