Blooming at napagandang bride ni LJ Reyes sa araw ng kanilang kasal ni Philip Evangelista noong Sabado na ginanap sa Beavin House sa East Hampton, New York.

Nitong Linggo, ibinahagi sa social media ng ilang bisita ang mga larawan sa ginanap na kasal.

Bagay na bagay kay LJ ang kaniyang sweetheart cut wedding dress, na lalo pang pinaganda ng makeup artist na si Mikka Marcaida, at hair stylist na si Mark Baquiran.

Sa Facebook, ibinahagi ni LJ ang mga larawan na kasama ang kaniyang mga anak. Si Aki, naka-linen suit with bowtie, super cute sa kaniyang white dress si Summer.  

Matatandaan na nito lang Mayo nang ianunsyo nina LJ at Philip ang kanilang engagement. (BASAHIN: LJ Reyes, engaged na sa kaniyang non-showbiz boyfriend)

Nagtungo sa New York si LJ at ang kaniyang mga anak noong 2021 matapos silang maghiwalay ni Paolo Contis, na karelasyon ngayon ni Yen Santos. (BASAHIN: Paolo Contis, inihayag kung bakit siya na-in love kay Yen Santos)

— FRJ, GMA Integrated News