Naging usapan si Julia Montes dahil sa suot niyang ring noong dumalo siya kamakailan sa ABS-CBN Ball. Magsalita na kaya siya kung engaged o kasal na sila ni Coco Martin?

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, sumalang si Julia sa “Talk or Dare” segment, at tinanong ni Tito Boy tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Pinapili si Julia kung sasagutin niya ito o gagawin ang challenge na humataw ng sumayaw sa studio na parang walang nanonood.

Samantala, sinagot din ni Julia kung sino si Coco sa kaniyang buhay.

“My knight in shining armor,” sabi niya.

Ilahad na kaya ni Julia ang tunay na estado ng relasyon nila ni Coco? Alamin. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News