Mula sa kaniyang pagganap bilang si Padre Salvi sa "Maria Clara at Ibarra," tiyak na kaiinisan na naman si Juancho Triviño sa kanilang bagong role bilang si Gilbert sa Kapuso special series na “Maging Sino Ka Man.”

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing magle-level up pa ang inis ng mga Kapuso sa bagong kontrabida character ni Juancho.

“Find her now and finish her!” sabi ni Gilbert tungkol kay Monique, na ginagampanan ni Barbie Forteza sa series.

Si Gilbert ang nasa likod sa nabigong plano na patayin si Monique.

WATCH: Behind-the-scene ni Barbie Forteza sa 'Maging Sino Ka Man,' alamin bakit trending

Pinost ni Juancho sa Instagram ang kaniyang bagong villain squad, na kinabibilangan nina Jeric Raval, Antonio Aquitania at Juan Rodrigo.

“My villain era diary… Na eenjoy ko itong kontrabida roles ah, to be honest. Im sure iba ang experience nyo pag napapanood ako, pero IRL bati tayo ah? Sports lang,” caption ni Juancho.

 

 


-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News