Inilahad ni Yassi Pressman na masaya siyang nakakasama ngayon si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte ngunit ayaw niya muna itong lagyan ng label.

“I don’t want to put labels into anything anymore, not rushing it to anything anymore," sabi ni Yassi sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.

"Kung saan na lang po ako nagiging masaya, kasi mahirap po talaga ‘yung pinagdaanan ko, and now, sometimes feeling ko, wherever I’m happy, I’ll stay there,” patuloy niya.

Diretsahang tanong ni Tito Boy kay Yassi, “Yes or no, masaya ka kasama si Luigi?”

“Masaya po,” nakangiting sabi ng aktres.

Sa mga naunang panayam, sinabi ni Yassi na mas nagkakakilala pa sila ngayon ng naturang local official na mula sa Bicol.

"Me and Luigi have known each other for a very long time, parang 10 years na kaming magkakilala, so now we're spending more time together and getting to know each other more," saad ni Yassi.

Matatandaang na-link din siya kay Ilocos Norte Representative Sandro Marcos, bagay na kaniyang pinabulaanan.

Kinumpirma naman ni Yassi ang hiwalayan nila ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Jon Semira noong nakaraang buwan.--FRJ, GMA Integrated News