Inihayag ni Jose Mari Chan na bilang isang artist, ikinalungkot niyang wala o bibihira na ang bumibili ng CDs at cassettes sa panahon ngayon na may makabago nang teknolohiya.
Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, sinabi ni Jose na dahil dito, hindi na gaanong kumikita ang mga artist.
“Not anymore Boy, because the technology has changed. Nobody buys records, nobody buys CDs, nobody buys cassettes anymore.”
“So we earn a little bit from Spotify, not too much, and also from endorsements and doing shows, that’s all,” pagpapatuloy niya.
Inilahad pa ng tinaguriang “The Father of Philippine Christmas Music” na hindi madali ang buhay ng pagiging isang singer at kompositor.
May payo siya sa mga bagong kompositor na nagsisimula sa music industry.
“Especially now with the technology changed, it’s very hard to live on music. That’s why my advice to the young composers and singers is that, use that as a hobby or on the side, but get another career, either in law or accounting or medicine,” sabi ni Jose.
“And then just do music on the side. Don’t lose it completely because that’s God’s given gift to you,” pagpapatuloy niya.
Sinimulan ni Jose ang Ber months sa pagbisita niya sa Unang Hirit at inawit ang hit Christmas song niyang “Christmas In Our Hearts.”
READ: 'Unang Hirit' hosts, naging emosyonal sa alay na awit ni Jose Mari Chan para kay Mike Enriquez
“How nice to be associated with Christmas season. It’s the biggest season in the Philippines, and it’s the best loved season,” saad ng Filipino singer-songwriter. -- FRJ, GMA Integrated News