Tinawanan lang ni Yassi Pressman ang mga hinala na may romantikong namamagitan sa kanila ni Presidential son at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.
Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabi ni Yassi na nalagyan lang ng malisya ang viral video na magkasama sila ni Sandro sa isang event.
"Yung nakikita ko po yung kay Sandro, hindi po 'yon totoo at all," sabi ng dalaga. "Tawang-tawa nga po kami.
"Nalagyan lang po ng malisya dahil naslow-mo, nalagyan ng music," dagdag niya.
Samantala, inamin naman ni Yassi na nagkahiwalay na sila ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Jon Semira.
"Matagal na po talaga kami naghiwalay and I'm very, very grateful to Jon. He's a great person. Sana people just respect our privacy and siya rin po he's a private person," hiling ni Yassi.
Si Yassi ang magiging leading lady ni Ruru Madrid sa upcoming GMA Public Affairs action series "Black Rider."
Magkatambal din ang dalawa sa pelikulang "Video City." —FRJ, GMA Integrated News