Inihayag ng SB19 ang kanilang pasasalamat at pagiging proud sa kanilang fandom na A’TIN na umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off.

Sa kanilang IG live, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Huwebes, inilahad ng SB19 members na sina Justin, Pablo, Stell, Ken at Josh ang pasasalamat nila sa A’TIN.

“Maraming maraming salamat! You guys are amazing,” sabi ni Justin.

“Sobrang galing ninyo… Salamat sa support and love,” sabi naman ni Pablo.

“Thank you again. Love you A’TIN. Good night, see you soon sa August 11 and September,” ani Stell.

Naging dikit ang laban ng A’TIN at CARATs, na fan base ng K-pop idols na Seventeen sa final round. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News