May nakatutuwang hirit ang komedyanteng si Ryan Bang sa "maraming" Pinay celebrity na bumasted umano sa kaniya.

Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, sumalang ang Korean host ng "It's Showtime" sa segment na "Fast Talk," kasama si Jhong Hilario.

Dito tinanong ni Tito Boy si Ryan tungkol sa, "artistang nambasted sa'yo?"

Sagot naman ni Ryan, "Ay! Ang dami nila!"

Sinundan pa ito ni Ryan ng hirit na, "Magsisi kayo, ang dami niyo!"

Sabi pa ng komedyante sa mga nambasted sa kaniya, "Gumawa kayo ng group chat."

Ayon kay Ryan, kasama sa niligawan niya noon ang singer na si Yeng Constantino.  

Ngayon, hindi taga-showbiz ang inspirasyon ni Ryan na ipinakilala na raw niya sa kaniyang mga magulang sa pamamagitan ng FaceTime.

"I wanna live my life forever here in the Philippines with my forever Filipina,” ayon kay Ryan.— FRJ, GMA Integrated News