Inihayag ni Kris Aquino na hindi sila “meant for each other” ng bise gobernador ng Batangas na si Mark Leviste kaya siya nagpasyang tapusin ang kanilang relasyon.

Sa kaniyang latest Instragram post, sinabi ng Queen of All Media na ang paghiling niya ng “pause” sa relasyon nila ng opisyal ay isang “cleansed version of why [I] ended my relationship with Marc.”

Ayon sa actress-host, mahirap ang isang long-distance relationship.

“BUT [I] saw he has many dreams left to fulfill and many obligations to the people who gave him their vote,” saad niya. “Sadly, [I'm] in the battle of my life precisely because [I'm] doing all [I] can to save my life because my [two] sons still need me. I'm realistic enough that Marc has a life beyond trying to help take care of me.”

Humihingi ng paumanhin si Kris kung tila makasarili siya pero ayaw na raw niyang dagdagan pa ang kaniyang pasakit.

“I apologize for seeming selfish but why will [I] add stress in my life when [I] see his posts enjoying himself when [I] am suffering 8,000 miles away?” pagpapatuloy pa niya.

Dagdag pa ni Kris, iisa lamang ang kahahantungan ng kanilang relasyon kung ipinagpatuloy nila ito. Dahil dito, sinabi niyang pareho nilang deserve ang mamuhay nang mapayapa.

Ayon pa kay Kris, pakiramdam niyang hindi umano handa si Mark sa isang seryosong relasyon, lalo’t may iniinda siyang sakit.

“Kaya minabuti ko nang sa kin nang manggaling kasi nakita at naramdaman kong hindi [siya] handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon kasama ang isang babae na tinatanggap ang realidad na yung buhay [niya] ngayon ay pinahiram na oras lamang ng Diyos,” sabi pa ni Kris.

“I’m keeping my word that he will never read nor hear me saying anything negative about him because what for?,” aniya. “We're not enemies, we just weren't meant for each other.”

Gayunman, pinasalamatan niya si Mark sa pananatili nito sa US hanggang sa isang araw na lamang ang kailangang tapusin ni Bimby sa gamutan nito.

Nagkomento naman ni Mark sa naturang post ng “Love, love, love you-all,” na may mga kasamang  yellow heart.

Inanunsyo nina Kris at Mark ang kanilang relasyon ngayong taon, kung saan sinabi ng aktres na nakatagpo siya ng “love and friendship” sa bise alkalde.

 

 

 

--FRJ, GMA Integrated News