Isinilang na ni Lindsay Lohan ang kaniyang first baby na isang lalaki.

Ayon sa Page Six, nanganak si Lindsay sa Dubai. Kasama niya roon ang kaniyang asawa na si Bader Shammas.

“The family is over the moon in love,” ayon sa kinatawan ni Lindsay.

Pinangalanan ng mag-asawa ang kanilang first baby na Luai.

Noong nakaraang Marso inanunsyo ni Lindsay ang kaniyang pagbubuntis.

Ikinasal sina Lindsay at Bader noong July 2022, matapos ang kanilang engagement noong November 2021. —FRJ, GMA Integrated News