Pumanaw na sa edad na 64 ang veteran reporter na si Mario Dumaual.

Kinumpirma ng pamilya ni Mario sa Facebook post nitong Miyerkules ang malungkot na balita.

Ayon sa post, pumanaw si Mario kaninang umaga dahil sa septic shock. Bago nito, isang buwan nang nakaratay sa Philippine Heart Center ang mamamahayag, na nakikipaglaban sa severe fungal infection na komplikasyon bunga ng heart attack.

"What comforts us is he knew that we were always with him, waiting for him and that home was wherever he felt our love," ayon sa pamilya.

"We also made it a point to let him know how loved he was by his friends in the industry and even kind strangers who have been offering prayers and help for his recovery," patuloy nila.

Ipagdiriwang sana ni Mario ang kaniyang ika-65 kaarawan sa darating na July 31.

Iaanunsyo ng pamilya sa darating na mga araw ang detalye ng burol ni Mario. —FRJ, GMA Integrated News