Inihayag ni Drew Arellano na labis ang kasiyahan nila ni Iya Villania nang dinggin ang kanilang dasal na magkaroon ng anak na babae na si Alana, na hindi niya magawang pagalitan.

Sa podcast na "Surprise Guest with Pia Arcangel," sinabi ni Drew na noong una, kontento na sila ni Iya sa isa o dalawang anak.

“I think we were aiming for one muna and then the second one kung naging girl si Leon then I think that would have been it, you know Primo and "Leona," okay na. But well, naging lalaki [si Leon] so parang let's try another one, kung babae eh ‘di okay na,” sabi ni Drew.

Kaya para sa ikatlo nilang anak, ipinalangin nina Drew at Iya na sana ay maging babae na ito.

“After Leon talagang we were really praying for a girl, to the point na it was the only kid na hindi namin inalam ang gender, not until na lumabas na, super, and then the whole time Iya thought na lalaki na naman ‘to so anyway I was just, kasi it was during the pandemic pa rin ito, it was 2020, I couldn't go to the delivery room, so I was just waiting sa room namin, and then nu’ng dinala na ‘yung baby like, huh, color pink. So iba rin ‘yung feeling na you know having a girl lalo na two years in,” kuwento ni Drew.

Inilahad pa ni Drew na naramdaman niya ang kakaibang lambing ng kaniyang anak na babae, kaya hindi niya ito matanggihan o mapagalitan.

“I don't really get it when my guy friends would say na ‘Pare iba talaga ‘yung lambing ng girl towards guys, towards the dads.’ Sabi ko ‘Of course you know, and then ‘yun nga two years in parang I totally get it now,” sabi pa ni Drew.

Matapos si Alana, dumating din ang pang-apat nina Iya at Drew na si Astro, na isinilang din noong panahon ng pandemya.

“We were both vocal about this but we just like didn't say na no we don't want the fourth one, so parang kusang nangyari na lang din, and yah, Duday (Alana) and Astro happened during the pandemic, so what a blessing,” anang Biyahe ni Drew host.

Natanong din si Drew kung may plano pa sila ni Iya na magkaroon ng baby number 5.

“I think my wife is waiting for me to have undergo vasectomy already, okay na, were good,” biro ni Drew. -- FRJ, GMA Integrated News