Throwback at senti feels ang hatid sa Pinoy fans ng bokalista ng Norwegian band na Fra Lippo Lippi na si Per Sorensen, na may two-night concert sa bansa sa Hunyo.
Sa ulat ni Cata Tibayan sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing hindi pa man nauuso ang hugot songs, tagos na sa puso ang mga kanta ng Fra Lippo Lippi lalo na sa mga laking 90s.
Sinabi ni Per na na-miss niya ang Pinoy warmth at hospitality, lalo na kapag sumasabay ang audience sa pagkanta.
“Very, very good. You know there are so many talents in the Philippines. They are very good singers, they have a very good musical ear. It seems, not all, but in general, it seems to be that way,” sabi ni Per.
“It’s very easy. And the audience is like that too, the way they sing their hearts out and I love that. It’s very easy to be on stage when you have a Filipino audience in front of you,” dagdag pa ng Norwegian singer.
Gaganapin ang kaniyang concert sa Hunyo 16 sa Pasay at Hunyo 17 sa Laguna.
“Please, come to the show! I welcome you all. It would be so nice to see you there. I’m going to sing my heart out to you,” pag-imbita ni Per sa mga Pinoy. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
Vocalist ng Fra Lippo Lippi na si Per Sorensen, may two-night concert sa bansa sa Hunyo
Mayo 26, 2023 1:46pm GMT+08:00