Muling nagpasiklab ang SB19 sa kanilang pang-world class na single na GENTO, na patikim sa bago nilang extended play na PAGTATAG.

Sa ulat ng Saksi, na-highlight sa music video ang talento, angas at versatility ng pop kings.

 

Sa mensahe ng kanta, itinulad ng SB19 members ang kanilang growth at refinement bilang artists sa isang ginto.

Nakatakdang sumabak ang SB19 sa kanilang ikalawang world tour.

Magkakaroon muna sila ng dalawang-gabing performance sa Araneta Coliseum sa Hunyo 24 at 25 bago magtungo sa US at Canada.

Binubuo ang grupo nina Josh, Pablo, Stell, Ken, at Justin. —LBG, GMA Integrated News