Bagaman handa si Mike Tan na gawin ang lahat para sa kaniyang pamilya, kahit itaya pa ang sariling buhay, may bagay din na hindi niya kayang gawin. Alamin kung ano ito.
“Lahat talaga gagawin ko for my family. Kung patalunin man ako sa building… ‘di ba,” sabi ni Mike sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes.
Gayunman, sinabi ni Mike na hindi siya gagawa ng masama, tulad ng pagpatay o pagnanakaw para sa pamilya.
“Mas takot na ako sa Diyos pagdating doon. Pero I will do everything na under ni God, by His laws, gagawin ko lahat para sa pamilya ko,” paliwanag ni Mike na may dalawa nang anak.
“That was what I was gonna say, I’d even die for my family,” pagsang-ayon naman ni Valerie Concepcion na kasama ni Mike sa Kapuso series na “Seed of Love.”
“Biglang napaisip ako, papatay ba ako, magnanakaw ba ako para sa pamilya? I really think that I’d do anything for my family. I think ‘pag nandoon na sa sitwasyon na ‘yon and if given a choice kung gagawin ko ito or ikamamatay ng someone I really love, I might do it,” paliwanag ni Valerie.
--FRJ, GMA Integrated News