Ipinakilala na ng Kapuso actor na si Andre Paras ang kaniyang non-showbiz girlfriend na si Honey Escarez.

Sa Instagram, nag-post si Andre ng ilang larawan habang kasama si Honey habang nasa beach.

"I know I'm feeling so much more than ever before and so I'm giving more to you than I thought I could do," saad ng aktor sa caption na may kasamang musical notes emojis.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Andre? Paras (@andreparas)

 

May hiwalay na post din si Honey ng sweet photos nila ni Andre sa kaniyang IG account.

"Happier," simpleng caption ni Honey sa post, na ayon sa isang ulat ng GMANetwork.com, ay swimmer mula sa University of Santo Tomas (UST).

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Honey (@honeyescarez)

 

Ilang celebrities naman ang nag-like at nagkomento ng pagbati kay Andre gaya nina Mikee Quintos, Carla Abellana, Klea Pineda, Valeen Montenegro, pati ang ina ng aktor na si Jackie Foster, at iba pa. --FRJ, GMA Integrated News