Napabilib ni Julie Anne San Jose hindi lang mga Pinoy kundi pati mga Hapon sa pagkanta niya ng theme song ng Voltes V: Legacy na “Voltes V No Uta.”

“I had to learn the song, the twang kasi iba ‘yung twang of course ng Japanese. And then I was told na be as accurate as possible talaga. I studied it, did some research. I tried,” natatawang sabi ni Julie sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado.

“Challenge accepted. Kasi every time na may re-run, noong bata ako tsaka ‘yung kapatid ko talagang inaabangan din namin,” dagdag ni Asia’s Limitless Star.

Nauna nang pinuri ng fans ang pagkakaawit ni Julie ng "Voltes V" theme song.  —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News