Good news sa fans and followers ni Kris Aquino dahil nakapamasyal nitong Easter Sunday ang kanilang idolo kasama ang anak na si Bimby, at ilang kaibigan na kinabibilangan ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Si Leviste ang nagbahagi sa pamamagitan ng Instagram Stories ng ilang larawan ng pamamasyal nila ni Kris, kasama rin ang fashion designer na si Michael Leyva.

Sa isang larawan, makikita na may hawak na red Cartier paper bag si Leviste habang nasa backgound ang Cartier store.

Sa isa pang larawan, makikita na si Kris na nakangiti habang nasa higaan at may hawak na cellphone. Sa tabi niya, may makiking red Cartier bag.

 

COURTESY: MARK LEVISTE/IG
COURTESY: MARK LEVISTE/IG

Nitong lang nakaraang linggo, inihayag ni Bimby sa vlog ni Ogie Diaz na "stable" at beautiful pa rin ang kaniyang mommy na nasa 103 pounds ang timbang.

Nasa US ngayon si Kris para ipagamot ang kaniyang multiple autoimmune disease. Dahil sa naturang kondisyon, bumaba ang timbang ng aktres.

Nitong nakaraang Pebrero, nagtungo rin si Leviste sa US para sa kaarawan ni Kris, na kinalaunan ay nilinaw ng self-style Queen of all Media na "best male friend" lang niya ang gobernador.--FRJ, GMA Integrated News