Dahil 50 points lang ang nakamit ng kasama ni Gerald Anderson sa "Fast Money" round ng "Family Feud Philippines," kailangan ng aktor na makakuha ng 150 points para maka-jackpot.

Pero hindi madali ang mga nakaka-shookt na tanong gaya ng: ilang beses kang gumagamit ng toothpick sa isang taon?; ano ang average height ng mge giraffe; at ilang araw ang biyahe papuntang Mars?

Panoorin hanggang dulo ang masayang "Fast Money" round na may twist sa huli. --FRJ, GMA Integrated News