Ipinakilala na sa South Korea ang panibagong K-pop group na virtual o computer-generated na Mave.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing hindi magpapahuli ang Mave sa galing sa pagkanta at pagsayaw na talaga namang nagpapa-wow sa fans.
Binubuo ito ng apat na virtual K-pop idols na sina Siu, Zena, Tyra at Marty, na ginamitan ng computer-generated program para mag-exist ayon sa Metaverse Entertainment.
Gumamit ng iba’t ibang tools ang creators para matiyak na realistic ang facial expressions ng virtual idols.
Nakapag-release na ng first album ang Mave nitong Enero, at debut song na “Pandora.”
Ayon naman sa ilang K-pop fans, iba pa rin ang naibibigay ng feels ng real-life idols. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News