Matinding lungkot ang nararamdaman ni Ice Seguerra dahil sa pagkamatay ng kaniyang aso na si "Choppy," matapos na masagasaan.

Sa Instagram, nag-post si Ice ng mga larawan nila ni Choppy, na isang pug.

“My sweet boy, Choppy, was killed today,” saad ni  Ice. “He was a victim of a hit and run.”

Hindi makapaniwala ang mang-aawit sa sinapit ng kaniyang aso.

“Durog na durog ako,” aniya. “Choppy [ko,] akala ko [‘pag] uwi magkasama na tayo ulit."

“Sobrang sakit, Chop,” patuloy ni Ice.

 

 

Unang bahagi ng taon nang pumanaw din ang aso ni Ice na si "Porky," na 13 taon niyang nakasama.

Nang mawala si Porky, niregaluhan si Ice nitong Pebrero ng dalawang aso na sina Choppy, at si Belly, na isang Maltipoo. —FRJ, GMA Integrated News