"What a crazy day." Ito ang nasambit ni Nico Bolzico nang isilang na ni Solenn Heussaff ang ikalawa nilang baby girl.
Ito ang inanunsyo ni Nico sa kaniyang Instagram nitong Miyerkoles, na nakasuot pa ng PPE sa isang ospital nang manganak ang kaniyang asawa.
"What a crazy day today. Argentina qualified to the final of the World Cup with Messi playing a great game and we just have a super healthy baby girl," sabi ni Nico sa video.
Ayon kay Nico, hahayaan na niya si Solenn na ipakilala ang kanilang anak, pero nagpahiwatig siya na "Lionel" ang ikalawang pangalan ng baby.
Noong nakaraang Enero nang pag-usapan online ang pagbubuntis muli ng aktres.--FRJ, GMA Integrated News