Inilahad ng international singer na si Celine Dion na na-diagnose siya na may pambihirang neurological disorder.
Sa ulat ng GTV "State of the Nation" nitong Huwebes, sinabi ni Celine na ang kaniyang karamdaman ay nakakaapekto sa kaniyang paglakad at pagkanta.
Napakapambihira umano ng neurological disorder na tumama na sa kaniya na "which effect something like one in a million people."
Dahil sa kaniyang karamdaman, hindi na muna matutuloy ang kaniyang Europe tour na gaganapin sana sa Pebrero 2023.
Itutuon umano ng mang-aawit ang kaniyang atensiyon sa pagpapagaling para makapagtanghal muli ng 100 percent.
Kasabay nito, nagpasalamat si Celine sa suporta at pag-unawa ng kaniyang mga tagahanga.--FRJ, GMA Integrated News