Super laughtrip ang mga runner nang sumabak sila sa ‘whisper challenge' sa kinagigiliwang "Running Man Philippines."

Dahil hindi magkadinigan at kailangang umasa lang sa buka ng bibig ang paghula sa salita, hindi mawasan na kung ano-anong salita ang lumalabas kagaya ng "panty."

Dagdag na problema rin kapag mali ang basa ng nagpapahula sa pinapahulaang salita, gaya ni Glaiza de Castro na lalong nagpaaliw sa lahat. Panoorin ang masayang episode sa video.--FRJ, GMA Integrated News