Nasungkit ni Billy Crawford ang kampeonato sa "Dancing with the Stars" sa France.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa “24 Oras Weekend” nitong Sabado, mapapanood ang Instagram post ni Coleen Garcia na inanunsyo niyang nagkampeon si Billy sa paligsahan.

Very proud si Coleen sa bagong achievement ng kaniyang mister.

Nagpasalamat naman si Billy sa suporta ng kaniyang pamilya, dance partner, pati na rin sa mga Pinoy at French audience.

Bago bumalik sa bansa, nagkaroon din ng matagumpay na career si Billy sa France at nakilala sa ilang bahagi ng Europe. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News